midnight madness
ang mga tao talaga ngayon…they just don’t seem to make up their own minds. ang nakakatawa pa dito, ang tatanda na nila, and yet they still think that THE WORLD REVOLVES AROUND THEM… hmmm…well…no offense pero…pwede ba…tantanan na…tigas niyo rin e…hehe…
may pinatatamaan ba ako? oo meron. sino? it doesn’t matter. nagkalat ang mga ganyan sa mundo. una-unahan lang kung kelan mo sila makikilala. ako, parang may nakilala nang ganun…sana hindi sya ganun kasi sayang sya pag nagkataon…first impressions last pa naman.
ba’t ba ako nag-blog??? wala lang…siguro hindi ko na kinaya ang matagal na pananahimik at pagto-torture sa sarili ko.siguro pagod lang talaga ako pero ung isip ko gising na gising pa rin kaya hindi ako makatulog.siguro napipikon nako dahil ako mismo ang nagdesisyon ng hindi ko namamalayan na ilagay ang sarili ko sa ganitong sitwasyon. siguro ito na lang ang paraan ko para ipagsigawan kung ano ang nararamdaman ko sa ngayon. siguro naiinis rin naman talaga ako dahil sa dinami ng tao…bakit ikaw pa…bakit siya pa…at bakit ako pa…nananahimik ako tapos bigla nalang nag-iba ang lahat. sa lahat ng ayoko ung nagmumuka akong tanga…kagagawan ko ba talaga kung bakit ako nagkakaganito ngayon….isang linggo mahigit na nga ata akong parang baliw na iiyak, tatawa, malulungkot, manlulumo, tapos matutuwa ulit…
ayoko ng ganito…pero ang hirap baguhin. wala na..andyan ka na talaga..kahit anong pag-iwas pa ang gawin ko, makikita at makikita pa rin kita..at masasaktan lang ako ng masasaktan…ang hirap ng alam mong kahit anong milagro pa ang maganap, wala pa rin talagang malaking pagbabagong mangyayari. malayo at malabo pa rin na may magandang kahinatnan. buti pa ung nasasaktan ka kasi binabarubal ka niya talaga– at least un masasabi mo na masama siya talaga…e hindi e…nasasaktan lang ako dahil parang naging mali lahat…mali ang ipagpatuloy ko to, mali ang sabihing wala naman na talga akong pakialam, mali ang sabihing "hindi, wala na, tapos na, ayoko na kasi talaga…". MALI ANG MAGKUNWARI AT PANINDIGAN NA WALA KA NANG NARARAMDAMAN KAHIT NA ALAM NAMAN NG LAHAT NA HINDI IYON TOTOO.
nakakatawang isipin na nagagawa ko pang tumingin sa mata ng isang tao at ipagkalat na "sus, wala na un…it’s time to move on…" na para bang naisipan ko lang na magpalit ng damit. e kung ung ibang tao nga dyan e…napakadali lang para sa kanila ang gumawa ng kung anu anong desisyon.bahala na kung may masaktan sila. ayun…may nasaktan na nga…hindi lang isa…hindi ko rin naman siya masisi kasi kanya-kanyang dahilan rin yan..tanungin ko man siya kung bakit nya kailangan makasakit ng isang taong bumalik lang ang saya sa buhay dahil sa kanya, e para namang ang laki ng karapatan kong gawin un diba. para namang may matutulong sakin un. nagawa niya na e.malay mo bukas, iba naman ang gawin niya. eto lang naman ang masisiguro ko: ANUMAN ANG GAWIN NIYA NGAYON: WHETHER SHE TAKES HIM BACK OR NOT, SOMEONE’S GONNA GET HURT. ako ba ang taong un? sa ngayon, oo.pwera nalang kung "by some twist of fate" ulit ay may isang tao na namang magbabalak na gumulo sa utak ko.
———————————————————————————————————————————————–
i’m not mad or anything. i may sound bitter (this is it…i’m getting real) but that’s what it is. I’M STILL HURTING NO MATTER HOW GOOD I AM AT DENYING IT. i can’t escape the fact that i already fell deeper into ths blackhole. now i know why people nowadays can’t make up their own minds. they can’t even utter the word "love" for endless reasons. Well, for someone who was hurt a long time ago, shattered into pieces by his or her own belief on love and destiny…. it’s hard to love again, but once they finally do, the pain that goes with it is just a gazillion times more difficult to endure. as for myself, i know this is close to what they call "love". unfortunately, loving you won’t be enough. this is getting pointless. i don’t know why i SEEM to love you…you’ve always been the one question i could not find an answer. damn…
September 5th, 2006 at 12:19 am
aww. i hope you felt better letting it all out.