Pagbabalik…

At ako ngayo’y muling nagbabalik mula sa matagal na pagkakahimlay…

Ganito kasi un, mejo matagal rin akong hindi nakapagpost dito dahil sa isang nakalulunos na pangyayari… SUSPENDED ang internet account namin. Pano ko nalaman? matapos ang ilang trial ko ng pagkonek, ayaw talaga. Naisip ko na baka na-cut na nga ang account namin so tumawag ako sa hotline nila…ayun na nga raw, suspended nga dahil sa laki ng excess usage ko!!! dko na sasabihin kung magkano inabot… basta…malaki…buti na lang at d ako masyado pinagalitan ng nanay ko dahil na-shock sya sa inabot ng excess billing namin. Bakit nga ba kasi umabot ang lahat sa ganun? Masyado kasi akong nag-enjoy sa pag-oonline nitong mga huling linggo to the point na halos mag-uumaga na e online parin ako. Actually d rin naman me masyado nag-eenjoy kasi d parin kami magkasalisi sa net ng hinihintay ko.

Speaking of, eto may isa pa akong storya…Nung isang araw ng pagpunta ko sa skul, e lumabas kmi ng aking mga gal pals… badtrip kasi kung kelan ako nakatsinelas papuntang skul e saka naman umulan…kadiri nga akong umuwi kasi putikan na nga ako, may natapakan pa akong gum na kulay green sa bus….eeewww…Ulan…ang drama ng hapong iyon kasi kulang na lang ay mag-MTV ako sa kalye habang naglalakad, nag-iisip, nakapayong at nagtatampisaw sa ulan… Bigla akong may naalala…nakakainis dahil ba’t ko pa kasi naalala un. Tapos may dinaanan kami na isang lugar sa aming paaralan…naalala ko ulet,kasi napatingin ako sa lugar ko san nagsimula ang lahat ng ito. Hindi naman malungkot ung naalala ko, ang saya ko nga dahil naaalala ko un.kaya lang, e ano naman ngaun kasi kung maalala ko?! may magagawa ba ako? wla lang diba…

So ayun na nga, ang buong araw na yon ay nagpaalala lang sakin ng isang masayang bagay (nga ba?). Sayang lang kasi parang hanggang dun nalang din un. Ngayong bakasyon, sa bahay lang ako at sana wag ko naman maalala ng maalala ng mga bagay na yon dahil nakakainis lang. Sa ngayon, iisipin ko na lang na…"it’s not meant to be…" Siguro, nagkataon lang na may isang friendly na tao ang nakilala mo at ganun lang un. Friends. Ganun naman dapat diba?

Hindi naman ako sad…pero hindi rin ako ganun kahappy about it…Pero happy parin ako kasi tapos na ung sem and it ended well for me. I can sleep longer now…I can watch movies and read novels again…I should love this…

O sya, hanggang sa muli..sana magcomment naman ang mga taong magbabasa nito…ehehehehe…

One Response to “Pagbabalik…”

  1. Philip Says:

    :)

Leave a Reply